Nov 12, 2011

ARTISTA NA AKO!

Tinatanong ako ng mga kaibigan ko.

:"Kumusta ka na? Ano bago sayo, kwento ka naman."

Sagot ko, "okey lang naman, wala namang bago bukod sa masaya dahil nakaayon sakin ang tadhana ngayon. Basta masaya ako, focus sa work at lie low sa love life"

:"What? Bakit naman?"

"Wala lang, may problema kaming di pa naaayos. Kaya for the meantime ok na muna kami ng ganito. Ayos na din para walang istorbo! Haha."

Weird bang isiping masaya ka kahit hindi okay ang love life mo? Minsan naiisip ko parang sagot lang ng mga artista pag nasa talk show sila. Kasi diba minsan ang mga artista pag okay ang career nila, kabaliktaran naman ang nangyayari sa love life.

Naiisip ko nangyayari din pala yung ganun sa ibang normal na nilalang lang at nangyayari nga sakin. Funny!

Masaya ako sa career ko ngayon, maraming projects, I'm doing a movie, a soap, a commercial and coming soon na rin ang first album ko entitled, MUKANG TANGA LANG. echos! Haha

Pero seryoso masaya ako kasi nagiging okay na lahat sa buhay ko ngayon. Dininig ni God lahat ng mga prayers ko and that was so amazing na lately lahat ng hiniling ko binigay nya. Kaya nga nasasabi kong lahat talaga ng bagay dumadating sa buhay natin in God's time.

Iniisip ko tuloy ngayon, hindi kaya lumalabo ang takbo ng love life ko ngayon eh dahil hindi kagustuhan ni God para sakin yun at ini-insist ko lang? Hmp! Kaya nga lately, I'm not trying to work things out na. Hinahayaan ko nalang muna na ganito kami, at ipasa Diyos nalang ang susunod na kabanata. Haha.

Abangan ko na nga lang ang susunod na kabanata. Kung anong sasabihin ni direk, kung makakatuluyan ko ba sa ending ng kwento yung ka love team ko o meron syang dini-discover na bagong leading man para sakin. Basta watch out nalang kung anong ending ng teleseryeng to.

Anyway, hi-way I would like to thank; Dra. Vicki Belo, Bench, Posh nails, dental focus, salon de manila, at ofcourse sa mga fans na walang sawang nagmamahal salamat!


and CUT!

May 2, 2011

WANTED TRABAHO: may alam ka?

Hay naku, nakaka frustrate talaga. It's been a month na din akong walang work. I keep on finding kaso lagi namang walang nangyayari. Ubos na budget ko kaya lalong nakakatuliro. Iniisip ko tuloy ang unfair talaga ng tadhana sakin, bakit lagi nalang may mga difficulties na dumadating, di pa nga natatapos yung isa heto na naman at may dadagdag pa.

Pero alam ko namang masamang magtanung o question-in si God sa kung anuman ang pinagdadaanan natin sa buhay. Kaya iniisip ko nalang parte talaga to ng buhay. Kaso lang minsan di ko maiwasan magtanung, bakit naman yung iba hindi ganito kalala yung dinadanas nilang crisis not unlike me. Pero sinasagot ko din naman ang tanong ko, well siguro kasi iba-iba ng paraan ang Diyos kung paano nya tayo susubukin sa buhay. Iniisip ko kasi minsan napaka unfortunate kong nilalang dito sa lupa pero damn! na pag-iisip, how come naiisip ko yung mga ganung bagay eh ang dami ko ngang napapanuod sa tv sa mga documentaries, ang daming Pilipinong nagugutom, so I'm still lucky na kahit paano eh may nakakain pa ako tatlong beses sa isang araw.

Hay, nagdadrama lang talaga ako, ang hirap kasi makahanap ng trabaho. I've been through a lot pero wala pa ding nangyayari. Hopefully sa mga susunod na araw makatanggap naman ako ng goodnews. Sana! :|

Feb 10, 2011

para sayo 'to